cultural imperialism

Friday, May 06, 2005

2

cultural imperialism

Cultural Imperialism


Naisip ko lang… (habang kumakain ng balot) at syempre aminado ako, na biktima ako in a sense ng kulturang imperialismo…tulad na lamang sa aking halimbawa, ang mga pelikulang James Bond ay sobrang nakaapekto sa bujhay ko. Magmula sa aking tatay na sobrang aliw at bilib sa mga da moves nila Sean Connery, at hanggang sa kay Pierce Brosnan na aking naabutan, na makisimpatya sa Amerika. Sabi ng tatay ko, noong kasagsagan dawn g Cold War, at ayon na rin ay Sir Boy, nangailangan ng isang diversion at isang hero ang Amerika para matuon at makaagaw pansin sila sa Russia na noong mga panahong iyon ay nakakaungos sa kanailangt laban. At iyon nga ay sa katauhan ni JAMES BOND. Nasabi ko nga pala na in a sense dahil hindi talaga nakukuha ng Amerika ang simpatya ko. Nakakairita pa rin sila, at nakakairita din tayo, dahil napaka- ganid natin sa anything na galing sa kanila. Oo, bilib ako sa mga gadgets, sa kotse (dream car ko nga e Aston martin), sa mga da moves. Naalala ko tuloy si Mc Guyver. Sobrang elib din ako sa kanya. Naalala ko yung episode na may kailanagan syang i-rescue sa isang lab sa ilalim ng lupa, tapos may nabutas na tangke ng kung anong asido, tinakpan nya lang ng chocolate at whala! Para syang vulcaseal effect…GALENG!
Oo, aminado din ako na model ako ng nike (bayaan nyo na, pangarap lang naman e), adik ako sa hersheys, love ko ang Disneyland (oo nga pala, Disneyland L.A. ng kanilang 50th Anniversary), at crush ko si Paul Artadi (weno ngayon?) pero mas mahal ko pa rin ang Pilipinas at ayokong mag-abroad pagka-graduate ko para lang kumita ng mas malaki. Pwede pa sa Japan, pero kung sa Amerika, wag na lang. Alam ko na hindi malayong kainin ko ang mga sinabi ko, pero hanggang sa naniniwalang kaya ko pang maging Chem Engr sa Pilipinas at makaimbento ng bagong beer, ditto pa rin ako sa Pilipinas.
In conclusion, naisip ko na dapat maging sobrang galing ng means ng cultural imperialism na gagamitin mo, sobrang strategic dapat at sobrang patok. At maisa-suggest ko na interviewin mo ung mga strategists ng Amerika.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home