cultural imperialism

Tuesday, May 10, 2005

sexualidad...^_^

cultural imperialism

ayan...lagi na lang akong napag-iisip ng mga topics natin bago matulog...feeling ko nga ito yung subject na talagang matatatak at dadalhin mo sa ataul ung pinag-aralan mo...nawalan kasi ako mejo nang ganang kumain kanina...ang sarap pa naman ng ulam namin kaninang dinner...fried galunggong at munggo...grabe...naiisip ko kasi kung bakit sa araw na to, bukod sa lesson natin na heterosexuality e 8 beses akong napagkamalang t-bash...naalala ko tuloy ung sinabi ni sir na hindi lahat ng may porque may anak ang isang napaghihinalaang bading e nagiging lalaki na ulit sya...at ako kasi kapag nalalaman nila na may 3 akong kuya,komportable ako sa piling ng mga lalake, imbyerna ako sa mga bading na hindi disente, mahilig ako sa kotse, mahilig ako sa basketball at naglalaro ako nito, nag-s-swimming, nagho-horseback riding, nagsusuot ng mga maluluwang na shirts, mejo magaslaw akong kumilos at hindi ako nag-aahit ng kilay, does it mean na t-bash ako??pero naisip ko din na kaya nila ako tinatanong na bading este t-bash ako kasi yun yung nakikita nila sa kilos at pananalita ko...kaya tuloy mejo naguguluhan ako...hindi sa sexuality ko (confident ako sa pagiging babae ko noh!!) pero sa nagiging implikasyon ng mga ginagawa ko...na nakikita ng ibang tao...
siguro lang, magkakaroon ng test sa standards ng tipikal na babae, more probably than not, babagsak ako...kasi nga, hindi ako ung tipikal na babae...naisip ko rin na nagiging tipikal na babae ka pag taong bahay, or mejo vain ka or pa-demure effect ka...oo...ganoon nga...pero kasi ang tingin ko sa kanila, kung nagpapa-girl lang sila, hindi sila totoo sa sarili nila...at iyon ang ayaw ko...yung plastik ka...kahit sa sarili mo...
ako naman kasi e gusto ko lang i-flaunt yung 'real' side ko, na mejo tomboy kasi nga yun yung knalakihan ko...pero kung magiging judgmental tayo sa mga tao sa pamamgitan ng mga kinikilos nila nang hindi pa natin sila kinikilala, para tayong mga tanga non...weno naman ngayon kung bading, tomboy, hetero o kung ano man ang isang tao...nagkataon lang na na-trap sila sa sexualidad na hindi angkop sa lifestyle at paniniwala nila^_^

0 Comments:

Post a Comment

<< Home